ISANG ARAW SA NAYON: Ika labintatlong yugto ;By Bankero

ISANG ARAW SA NAYON: Ika labintatlong yugto;By Bankero
     Ayon kay Amang na aking lolo kahit noong unang panahon ay likas na mahaba sa ating bayan ang panahon ng panag- ulan, sa ganitong kadahilanan ay naroon ang panganib na matamaan ng Lintik, Elemento o matatalim na kidlat, ayon pa sa kanya mga puno o bahay na may nakatirang tuko ang madalas na tamaan nito bukod pa sa mga hayop at tao na nasa gitna ng parang kung umuulan. At upang makaiwas ka raw sa panganib ng lintik o element ay kailangan mo na kumuha ng konting suka ng sasa at suka ng niyog at paghaluin sa isang lalagyan at daladalahin kung panahon ng tag ulan at sigurado na ligtas ka.
     At kung sakali daw at ang isang tao ay tamaan ng lintik o elemento ay kaagad na buhusan ng suka upang matiyak ang kaligtasan.
     At kung ang isang tao ay nagnanais na makahuli ng element o lintik, ay ganito raw ang mga dapat gawin, kumuha ng isang palo o yanuhan ang haba na kawayan at itirik sa lugar na malayo sa kabahayan, at saka lagyan ng kawad ang nasabing dulo ng palo at ilawit ang kabilang dulo sa isang tapayan na may lamang suka, at yun daw ay mahuhuli mo ang kabagsikan ng Elemento.
     Sang ayon naman kay Anda Indo kung gusto mo raw malaman ang lagay ng panahon sa kinabukasan ay tumingala ka sa langit at pagmasdan ang mga bituin, at kung ang mga ito ay madalas ang mga pagkislap ay nangangahulugan lamang ng pag ulan at kung karaniwan lamang ay makatitiyak ka na magiinit ang panahon at ayon pa rin kay anda kung ang langit ay mabituin at maaliwalas ay tanda ng kasaganaan.
     Ayon naman kay ma Paneng nung nakasabay ko maglakad palusong kay Todas pababa sa Wakat, mabisa raw ang SIPOL kung kailangan mo ng hangin at mainit ang panahon, sa Ikasampung beses daw ay pihado ang pag ihip ng hangin. At ang sipol din daw ay mabisang pantaboy sa ahas kung ikaw ay naglalakad sa gubat o mga ilang na lugar.
     Ayon naman kay andang Pirmina na taga Santa Lucia mahalaga ang kagamitan ng Mutya at ikinuwento nya sa akin ang kagamitan nito at pabulong na sinabi pa nya kung sino ang alam nya na nangag-iingat nito. At……susunod po ang bisa ng mga MUTYA.
     
 
ISANG ARAW SA NAYON; Ika labindalawang yugto; By Bankero
Ang atin pong paksa ay tunkol sa mga pang lunas na ginagamit noon at ngayon sa ating mga nayon na hangang ngayun ay nakikita pa natin ang iba sa ating bayan.
1.       Ang lunas sa kolera- ayon kay lolo Jose upang makaligtas sa kolera ang isang sangbahayan, kinakailangan humanap agad ng BALINGWAY,(isang uri ng bagin) at itoy itatali sa palibot ng bahay. At upang lalong makatiyak  na maligtas sa sakit na kolera , salot, at iba pang karamdaman na dala ng masamang hangin, ay kailangan kumuha ng luyang itim, diyamanteng hilaw, kahoy na sinukuan at malindatong itim at pagsamasamahin.
2.       Kung naghihirap sa panganganak ang isang babae- kailangan kumuha ng bagin na lumampas sa kahoy o bato at kinakailangang magbabad sa bibig ng baging nabanggit. Ayon pa kay lolo ang bagin na ito ay lubhang mabisa kung ikaw ay haharangin sa daan, at ito raw ay ginagamit sa harap ng hukuman upang makaligtas sa parusa ng batas.
3.       Mabisang gamut sa kurso- ang dahon daw ng manga, tsiko at kape, ay mabisang gamot sa nagkukurso, kumuha raw ng tig iilang dahon at ilaga at ipainom at daglian ay lunas.
4.       Ang gamut sa malaria-ang dita raw ang siyang pinaka mabisang kagamutan sa may sakit na malaria, ilaga raw ang balat nito, ayon pa sa matanda isumpit ang pinaglagaan nito at agad na huhupa ang karamdaman. At pabulong na wika ni lolo kung makakakuha ka ng tatlong dahon ng dita ay binyagan mo ito sa araw ng biyernes at mabisang tagabulag.
5.       Gamut sa kagat ng hayop na makamandag-kumuha raw ng bawang at pitpitin ng pinong pino at pagkatapos ay siyang itapat sa kinagat at kung wala namang bawang ay pwede rin daw ang katas ng sibuyas at ilagay sa bahagi na kinagat.
6.       At kung sakali naman day na sa paglalakad ay matinik ay kumuha ng luyang dilaw, dikdikin at lahukan ng konting langis ng niyog na mainit init ng kaunti at siyang ilagay sa bahagi na natinik.
7.       At kung kayo naman daw ay napasukan ng antipalo(hayop na maliit sa ulapihan)  sa inyong tainga ay agad kumuha ng isdang tuyo na maalat, at itapat sa butas ng tainga at agad ay lalabas ang nasabing hayop.
8.       At ang mabisa naman sa kagat ng ahas ay kung tawagin ay sungay ng Ulikorneo na pinakakapit sa sugat na nakagat ng ahas.
        Sa mga dating gamot na nabangit ay maaring ginagamit pa hangang sa ngayun dahil nakikita ko pa sa bulante na may tinda nito at kung Biyernes ay sa Sinipian. Ang susunod po ay tungkol sa panlaban sa Elemento o Lintik
 
ISANG ARAW SA NAYON: Ikalabingisang yugto; By Bankero
Karugtong ng nakaraan...2. Ang masamang haligi- kinakailangang piliin ang mga haliging isasangkap sa isang tahanan.May mga kahoy na nagtataglay ng malalaking mata na pinamamahayan ng mga hayop na makamandag ang malalaking butas sa haligi, at tabla-suelo kung kayat hindi dapat na ito ay gamitin sapagkat ito raw ang pinagbubuhatan ng malulubhang karamdaman, kabuwisitan at kasawian sa isang tahanan.
3.Ang buwisit sa tahanan—Sinasabi ng matatanda na isang kabuwisitan sa isang tahanan ang salasalabat na sampayan. Upang maiwasan ang mga pagtatalo ng magkakasambahay ay kailangang alisin ang pahalang halang na sampayan sa loob ng isang bahay. Hindi rin daw dapat pamalagiin ang baboy at manok sa silong ng bahay at kailangang itapon ang pingan na may piraso na.
4.Ang lihim ng bundok ng Banahaw- sang ayon sa mga matatanda, ang bundok ng Banahaw ay nagtataglay ng isang lihim na kung iisipin ay lubhang nakapangingilabot sa mga taga Tayabas at taga Laguna. Ang lihim na nabanggit ay may apoy daw at lawa ng tubig ang nasabing bundok, at hindi malaon ay ibubuga ng Banahaw ang lihim na nasa loob . Ngunit pinatutunayan din daw ng ating mga nuno na bago maganap ang gayong kakilakilabot na sandali, ay maririnig muna ang malakas na hugong at mararamdaman ang tatlong sunod sunod na lindol.
5.Ang lihim ng bundok San Cristobal- Sang ayon din sa matatanda, ang nasabing lihim ng bundok ay bukod na kakaiba sa lahat. Diumano, kapag Sabado de Gloria, ay may nakikita sa taluktok ng bundok na nabangit na isang wawagawagayway na watawat, at ang watawat na itoy tinatanuran ng labindalawang taong malalaki na pawang naka uniporme. May kasunod pa sa mga sinabi ni lolo.
Posted by Bankero at 9:20 AM  
 
ISANG ARAW SA NAYON: Ikasampung yugto; By Bankero
Ayon sa matatanda noon ito ay mga bagay na dapat paniwalaan
1. LUPANG DAPAT PAGTIRIKAN NG BAHAY-marami di umano ang mga tao ang hindi nanganiniwala na dapat piliin ang pagtitirikan ng bahay, sapagkat ang hindi pagsunod sa pamahiing ito ng matatanda, ay nangangahulugan o nagbubunga ng kabuwisitan at kasawian ng namamahay. Ngunit kung susundin naman ang matandang kaugaliang ito ay umasa tayo na magbubunga ng kabutihan na siyang hagdanan upang makapanhik sa tugatog ng kapalaran.
Sang ayon daw sa karunungang lihim, ay kapalaran at kasawian lamang ang nagiging bungang hinog na naaani ng taong nangamamahay. Mabuting kapalaran ang natatamo ng namamahay kung mabuti ang pok na kinatitirikan ng kanyang tahanan. Ngunit kasawian naman ang kanyang kasasapitan kung masama ang pook na kinalalagyan. Ayon daw sa mga kurokuro . ito raw ay makatotohanan, bakit daw may ankan na nagkakahiraphirap nagkakasakit ng malubha at nangangamatay na lahat halos ang naninirahan sa iisang bahay. At bakit daw naman may mga angkan na lipos ng kahirapan na kapag lumipat sa isang tahanan ay nagiging maginhawa ang kabuhayan atnakakaiwas sa pagkakasakit at kamatayan. Ito raw ay mga pangyayaring nagpapatunay na, minsan pa, na may masamang tirik ng tahanan.
Ayon pa raw sa karunungang lihim, ang masamang pook na masamang pagtirikan ng bahay ay ang pook na may malimit na hulab. At upang malaman ang masasamang pook na di dapat pagtirkan ay kailangang gawin ang ganitong pagsubok: maghukay ng kalahating metro sa lugar na pagtitirikan ng bahay ilagay sa hukay na nabangit ang isang basong tubig bago takpan ang labi ng hukay at pabayaan sa loob ng 24 oras at buksan muli, at tingnan ang baso ng tubig kapag nabawasan daw o umunti ang laman ng baso, ibig sabihin ang lupang ito ay masama at di dapat pagtirikan ngunit kung ang tubig naman ay umawas sa baso ito ay palatandaan na dapat ito ang piliin upang pagtirikan ng bahay ng isang ankan.
2. ANG MASAMANG HALIGI- Kinakailangang piliin ang haliging isasangakap sa isang tahanan. May mga kahoy na nagtataglay ng--------Itutuloy po. Siguro po sa ngayun ay wala ng dapat piliin pang lugar at iilan na ang lugar na walang bahay.
 
ISANG ARAW SA NAYON: Ika siyam yugto ;By Bankero
Matatandang PAMAHIIN sa kanayunan ng Nagcarlan. 
1. Kapag pumutak ang dumalagang manok sa hating gabi, itoy palatandaan na may magbubuntis na dalaga sa palibot o dili kaya ay may mamamatay na tao.
2. Kung sakaling aalis ang isang tao sa kaniyang bahay at hindi niya makita ang kaniyang anino, kinakailangan na huwag na siyang tumuloy sa paroroonan sapagkat tanda ng kanyang kamatayan.
3. Kapagka umungalo o umalulong ng makaatlo ang isang aso sa silong ng bahay, itoy tanda na may roon daraan na malubhang sakit sa bahay na nabanggit.
4. Alin mang bahay na inakyatan ng bayawak o dili kayay humukay ng lungga sa silong ng isang bahay ay isang tanda ng kabuwisitan,pagkakaramdam at pagkakamatay sa isang sambahayan.
5. Ang alin mang bahay na tirahan ng ahas o sawa ay palatandaan ng pagkakaroon ng magandang kapalaran ng may bahay magkakaroon ng salapi at matutubos sa kahirapan.
6. Ang bahay na hindi natapos gawin o kulang pa sa dingding at sahig, ay masamang tuluyan ng patay, sapagkat kapag tinuluyan ay magkakaroon ng mabigat na karamdaman o magkakamatay ang nakatira sa bahay.
7. Kapag parang ibinuhol o salasalabid ang uhay ng palay, itoy palatandaan na may malakas na bagyo na daraan.
8. Kung mapapatapilok ang isang tao sa kanyang paglalakad, kinakailangan lumihis ng ng daan, pagkat ang pagkakatapilok ay tanda ng kasawian, kapahamakan o sakuna sa paroroonan.
9. Kung sa katanghalian na ang araw ay nalilibot ng ng limbo, ay tanda na ang panahon ay totoong magulo, lalo nat kung sa araw ng Biyernes ay nangangahulugan na maraming mamamatay.
May karugtong. Ang iba po dito ay maaaring naririnig nyo pa o pinaniniwalaan pa sa ngayon na isa nang modernong panahon dahil ang magbubukid ay nagtetext sa celphone habang nagpapahinga sa dampa sa gitna ng tubigan.
 
         Karugtong ng nakaraan sa iskwelahan ko, isa isahin pa natin ang nasa labas nito, palamig na may sago, dalawang mag a ice drop na may gimmick pareho, ipapashut sa bell ang pera mo at doble ang masisipsip mo pag ikaw ay nanalo, ang isa naman ay huhulan ang taon na ginawa ang sinko mo at doble rin pag mali ang sagot dito, may sorbetes ng karpintero pwedeng palaman sa tinapay mo, habhab dyay habhab dito tulo ang sabaw hangang siko, pansit at binayo ni Bayot may tawad kapag ikay guapo. Biology ang sigaw ng kalaban nito. Teng- Teng takbuhan na tayo pilapila at pambansang awit ay kakanta na tayo, at talumpati ni Ginoong Bilog ang kasunod nito, pagkuway balikan na sa kanya kanyang kwarto, Teng teng mas masaya ito reses na, bibile ng kitse sa maestro pambayad ng tinda sa kantina na karaniwan na tsampurado at aroskaldo at may minokmok pa. ang ibay naglalaro at nagtatakutan doon sa lumang palikuran, na may nagbigti kaya may multo na white lady, ang iba ay nasa manggahan ,lumulusong sa kweba na taguan, karaniwan ang mas marame ay nag aabang ng dwende sa ilalim ng HE at nag iiwan pa sa punso ng kendy.           Mabait at masasaya ang mga guro sa pangaral ay talagang busog ka, at malalaman mo kung talagang magaling ka, pagkat seksyon 1 at row 1 ka pa at kung talagang mapurol at pakdol ka ay siguradong seksyon 7 at row 4 ka katabi ay basurahan pa at paboritong pagamitin ng lagadera. Teng –teng paalam guro uwian sa tanghali ito po namang si Hose hagilap agad ang gamit ng maestra at ipagbibitbit hangang kanila pagkat ang siste ay alam mo na palaging kamote at itlog ang marka niya. Kabilinbilinan ng guro diretso sa bahay, at nagpulasan na. yun aming grupo ay nagpunta muna sa aming bahay bahayan sa likod ng grade 5 sa lilalim ng mga puno ng SanJose iniwan namin ang aming gamit at sa Burobok tayo, yun iba sa Tuong tayo ang iba sa tumbang niyog ako iyan ang mga paliguan sa talahibing at kung minsan ay abot pa sa bambang ng planta. Masayang eksperiyensa wag lang mabibisto at pihadong sa opis ni Bilog ka at parusang hapon ang kapara. Ewan ko kung natitira pa ang mga lugar na ito at dahil bahagi ka nito hindi maikakaila na Nagcarlan ang Bayan mo.
 
 Umaga na , may pritong saba saw saw sa repinadong pula, ilang subo ng kanin at dilis ay almusal na, ang Tatay ay pasaka ang nanay namay nagwawalis na. dinampot ko ang kwaderno at libro at pagpasok ay handa na ako, kinuha ko sa may batalan ang sipit na tsinelas na malapit nang mabutas ang swelas at lumarga na ako bitbit ang isang buwig na lansones na baon ko at ang singko na bagol ay nakalagay sa tenga ko, madalang pa ang sasakyan noon kaya sa kalye pa ang laruan, habang naghihintgayan ang mga kaklase sa bawat kanto, sa paglakad ko nalingunan ko ang bahay ni ma Batman abay magara ang auto sa tapat nito ay bahay naman ni ma Apoy, napamunimuni ako sana paglaki ko maging kotse ang kabayo ko,sa pagpapatuloy lumiko ako sa may Zamora naku kalye ng mga kamag-anakan ko ,abay nakahilera mga Anda, Tiyo, Tiya at iba pa, kailangan ay magmano walang ligtas ako, mano po mano po , kahit hindi naman pasko, himas lang sa ulo ang kunswelo mo.(kaawaan ka ng Diyos). Isang kanan pa ulit at tanaw na ang paaralan ko. Dinig ko na ang matinis na boses ni na Adela manga at singkamas na sawsaw sa alamang na may asin, may yambo, makopa, talang, tsesa,lipute, duhat, bayabas, nangka, atis, santol, pinya sinigwelas, guyabano, saging, kaymito,bunga ng uway at pati na hungo, lahat na yata ng prutas tinda dito.paibaba ay si Sunshine tinapay na may reno, kasunod ay si na Tiyang bunot bunot kayo, kalikot, makunat at belelekoy. Ang kasunod ay isang dampa ang tinda lang ay suka. Pagkatapos ay kay na Letty na ang abang pag bile ay kay ma Camilo at tiyak may tawad rito. At dun sa parting duyo ay amenudo at sinokmane ni na Nene. Puputulin kop o muna ang aking kwento at magtatalop muna ako ng tubo (sugar cane) na noon ang isang dipa ay singko.
 
         Ang Pistang Bayan noon- A bente dos pa lamang abala na ang mga kamaganakan na mangagaling sa bukid may dalang BASTA BASTA na tigas na pangatong, palaspas na sumanan, NILAIB na dahon ng saging at BUNTAL ng buli pantali sa suman. Taglay na rin ang KIDKID at patpat at bao na pang KALIS .Sa bayan na ang tulog ang mangagawaan para magharap ng sinalang na suman, gumawa ng mga matamis na ube, nangka,kulongkaling, makapuno, at kundol. INIILAID na rin ang papaya na atsarahin, at panay ang PAGTATAHIP ng bigas sa bilao. A bente tres, medaling araw pay gapos na ang mga baboy sa harap ng bawat bahay sa tabi ng kalsada at halos ay sabay sabay na TINUTUDLI sa leeg, malalaman mo na agad sa mga kapit bahay kung sino ang may madaming handa at malakas ang irit sa tapat nila, LABLAB dyay lablab dine kalis ng kalis hindi MAGKAMAYAW , tulungan tunay na bayanihan. 

           Nauuna nang lutuin ang basoy at dinoguan para sa manunulungan, mula ibaba hangang ilaya tunog ng sangkalan ay silbing musika, at sagitsit ng ginigisa talaga naman UMAALIMPUYO pa. sa bandang hapon sarado na ang kalye mula Aglipay hangang Romano puno ng maninindang dayo, may Pasibatan, Pabarilan, Pashutan, Beto-beto, Palabunutan, Baklayan , Karahan, Sidera at may Manghuhula pa kadalasan, at nandun din ang mga Ita meron din silang tinda, Anting Anting, gamut sa nabales, nagayuma at sa kamandag pa. Sa may Patio ay may Sirkus tumutulay sa alambre, kumakain nag ispada at apoy, at may magic pa, iniispin ang lalake habang nakatale s umuikot na roleta, may babaing palaka, at si Mogambo ang taong kumakain ng buhay na manok nandun din ang roweda at iba pa. pagdaan mo sa labas ng simbahan na kasama kang bata agad ay may lalapit at sasabitan ang bata ng krus o litrato ng santo at sasabihin na swerte yun sa inyo sabay hingi ng bayad, tatakutin ka pa pag inalis mo mamalasin daw ang bata o may masama pa ka, kung engot ka ay siguradong bayad ka. Sa munumento ay may daga dagaan at mga binabae ang mga bida, pingan at baso pa premyo sa mga panalo. 

           Mayat maya ay may kagulo KURSUNADAHAN pa ang uso, pag may na gulpe ang bwelta nyan ang mabigat. A bente kwatro kalembang ang maririnig mo, pag dungaw mo, puno na ang tapat nyo ng sasakyan ng mga Batangenio mga NAMIMINTAKASI sa ating Patron. Naka pustura bawat tao, si lola ay suot pa hikaw na antigo, ang buhok ni lolo ay haspeng haspe, parang hinimod ng baka may pamada hangang noo at may lalawit-lawit na kerel. Handa na umistima ng darating na bisita sa may Bunsuran ng bakuran. Wala pa sa atin noon na traysikel mga galing Sta Cruz at ito ay tuwing pista, ito ay sakayan lamang ng mga bata pagpapalibot sa bayan, diyes sentimos isang ikot singko pag kalong na bata. 

          Panay ang Pasiyo ng banda ng musiko pakain mo pag tumapat sa bahay mo. Pagsapit ng hapon ang sabi ng lalaki na namista hindi masarap pag walang barek ang asawa naman ay banunot sa padala at ang mga anak ay ngunguya nguya pa. ang manunulungan ay pauwi na dala pati mantika at bahaw na natira. Pauwi na rin ang mga may panata sa paliguan at iniiwan na ang damit na pinagbihisan, paalis na rin ang mga nagtirik ng kandila at uminom ng tubig sa bukal ng San Bachoy sa likod ng Laguerta. At ito ang walang sala sinangag at samut-samut ang pagkain mo bukas ng umaga. Ewan ko kung meron pa nito ngayun kadalasan kasi catering na lang at oorder na lang ng luto na.

 
          Sa pagpapatuloy mga ilang hakbang pay tanaw mo na ang makipot na daan patungo sa PALIGUAN sa bukana ay mga mga lansones na mapakakapal ng PURO meron nang pwedeng MAHALAW, BALHAKAN pa nga lamang ang kulay ang masarap ay kapag LUTLUT na, may nakasabit na SALIRANDANG na panakot sa kabag, maraming sanga ay DUKLAYIN, kailangan ay may lubid na BAGTING upang hindi MASAKLI ang sanga. Paglingon sa kaliwa ay Iskininata pa rin sa DUYO ay tumbok ang tindahan ni ma Badong sa Avenida, pakiwari koy si Anchor at Zardo yun DINIDIWARA si Bilay, wika baga namay si Bilay i…… ang kulay. 

          Nagpatuloy ako aba ay sa tingin koy si Anda Paula nasa may biranda naka upo sa tumbatumba na naka barot saya namamaypay ng abaniko, isang tunghay ko pay sa kasunod na ALDANA , abay napasaludo ako yuy si Kapitan may IMINOMUSTRA kay Ante UUMIS-UMIS naman si Tyo Kanor at kuya Jessi. Habang ako ay pailaya nangngamoy puto na pag PALING koy kita koy si Dasuy NAGHIHILIS ng putong item may kinayod na niyog pa at pagdakay PINUTOS na. sa patuloy koy nalampasan koy si Donya at tunay pong PUSTURANG PUSTURA at kung hidi ako nagkakamaliy pag hindi si Ediy si Tanly yuon naka puting pantalon at hapit na nik-nik. Sa pa PAG USAD USAD nasalubong koy dalawang may idad ng nangangamoy IKMO ay NAGNGANGANGA pala sabay dura sa tabi ng mamulamula, ay sa aking sapantahay itoy dayo, wika ay mawalang galang na hane, saan mayroon magtatapal dine (puntong taga BAYBAY) itong aking BILAS ay may BATI yata nakatuwan ng LAMANLUPA. 

          Ang pagkakawika koy diyan po sa ilyay sin a Pilang, sa ibabay si ma Imog, sa ibayew ay sina Angge at ma Kadyo sa silangan ay si ma Porong sa Yukos namay si ma Abreng mayroon din po sa Maiit at Sinipian, at SINAG-OY ako sa balikat at napasalamat, pumihit na pailaya. Titigil po muna tayong muli at ipagpatawad po kung nababangit ang inyong mga alyas na gusto nang burahin at yung mga pangalan ng inyong kaanak na namayapa na ang akin pong layunin ay maisalarawan duon sa iba na hindi na nakita kung ano yun mga dati pag uugali man lugar at pangyayari yuon pong payak na tanawin sa bayan at nayon natin, salamat po.
 
           Saglit po lamang at akuy may BABALKAN sa may kanto ng simbahan tila yata si Atorni ang natanaw ko sa may gilid ng botika may bitbit na ISTOTSE at BISTENG BISTE at pagka kway lumulan na sa otong kuba. At patuloy napo at lumantad namay magaama ni ma Tatoy nag IINGASTE ng singsing, panay naman ang kikil at pakinang ni Oca. Ayun sa kabilay kain! ang hiyaw ng miron DAMA! na ako naka PERDE si ma Celso habang UMAAMBUWANG ng paghahagok si ma Nilo sa isang sulok uusok usok pa ang sigarilyo sa SIWE .tuloy naman sa paghahasa ng LABAHA si ma Pio sa naka lawit na balat na sinturon, umupo na si Brando kapatid ni mam Pareng, at kinapahan na habang paanas na wika ni Brando GUPIT BINATA po ‘ sagot ni ma Pio’y ahit ang patilya. 

          Si ma Pamboy ay NAKAGORA isa ang nag tanong ng ganare, ay anong dumale, at ang itinugon ay are TUMPIANG na PU… trentay tres , hawak ay LASTILYAS , si Bagol naman ay nagsabe ilagay mo dyan are uno at siyete i liyabe mo sa dose, lampasan Bago at Daroy ay PALTA muna. Kubra naman ni tisoy ay banahaw wala ng nataya at palaging PURLATA. Sa pag usad Bumile pa ako ng SINUDSOD sa kasunod na pinto kay na Neri nanay ni Mokong kalaban ko ng panaan sa tubigan. Natunghayan ko rin sa paglakad koy magaama naman ni ma Dado PUMAPAGOTPOT ang trumpeta at klarenete si ma Fabian Panay ang pumyang at bumbo, kahilera ng mag utol na si Ditoy at Nonoy naron din si ma Munting Ihe ang instrumentoy mahaba pa sa kanya, panay ang ensayo at PAPASIYO sa pista. 

          Ilang hakbang pat si ma Dama ay natanaw ko sa kanto KULABO bahagya ang salamin animoy ANTIPARA umuusok pa ang tangang KUWAKO (naalala ko tuloy GAGATA KA BAGA, at may naka ULBOK sa tagiliran) KAUSTENG naman si Ka Mining at si Ma Inso namay may hawak na BALIWASNAN at nakakwintas ay BULATEHAN. Pihit ako pailaya abay may bulaklak ang halamang TALAMPUNAY lasa koy may hika itong TUKAYO ko dito sa tindahan ni na Simang, ay GAGATUNGAW ang SIWANG ng bintana, ay muntik ng mapaLIGWAK ang lambanog na IBINUBUBO sa PRASKO , may natira pa sa GATANGAN ,itiniwarik sa isang binalimbing na tagayan, wika sa bumibile na si ma Gabay, tawad na yan hijo sabay SALTIK naman sa galunan atTINUNGA na sinabayan pa ng taas ni na Simang , aba ay gumuguhit daw sa LALAUGAN (napabulong ako ano yan BATENG). At hanggang sa muli po muna mapapahaba na naman tayo hayaan muna nating makapagtanong sa mga magulang ang mga bata kung ano nga ba ito ,saan ito parang wala lang wentang wento.